Mga Kasama ko sa Japan (日本での友達) Part I

October 23, 2008 at 3:18 pm (Friends, Japan, Lahat) (, )

“Don’t walk in front of me, I may not follow

Don’t walk behind me, I may not lead

Walk beside me, and be my Friend”

-anonymous

Hey there guys… For those of you who does not know yet, I am currently working in Japan… Ive been here for 7 months already.. And I tell you, its not worth it if you are here with no Friends at all… Japanese people are really serious when it comes to work: no chatting, no singing, no music, no eating (unless break time)… So of course, what better way to brighten up your day, is to spend it with your friends… Even when you are down, as long as you have your friends, you will be okay… Even when you have overtime, as long as you go home together, that’s alright.. When you go somewhere alone, as long as you have friends waiting for you to come back, then everything will be fine…

As for me, I have been with my friends for 4 months, until I was transferred in Nagoya.. So from my old place, where my friends live, it will take about 5 hours minimum by car, 6 hours minimum by bus, 1.45 hours by bullet train, and 5 hours minimum by local train… And that is very far..

So as you guessed, I feel kind of lonely here, to the point that, I became tired of working.. Honestly speaking, I don’t want to work anymore here in Nagoya.. But if ever that my friends, even one of them, are with me here in Nagoya, then I guess that will turn the tables for me…

So as not to die from loneliness in here, I make sure that I visit them every month.. And luckily here in Japan, every month has its own free day.. they celebrate alot of things here in Japan.. Like there is what you call Sports Day, Respect the Elders Day, Autumn Equinox Day, etc. And what I like about them, is that almost all of them are Mondays… So what I do is that, I reserve a ticket (by bus), and travel at night going to Tokyo or Yokohama… The bus leaves around 11:30pm (Friday Night), and then I will arrive early the next day.. So I have the whole Saturday, Sunday with my friends… Then I return to Nagoya (by bus again) on Monday morning so that I can take a rest at night and be ready for office the next day.. And as of now, I was able to ride all of those vehicles going to and from Nagoya… Lucky me.. ehehe…

The price, by the way, varies depending on the Day, hour, or the seat.. For the bus, it costs 5,100 Yen one way (around 2448 Php), for the local train, around 7,800 Yen (that’s 3744 Php), and for the Bullet Train, its worth 10,700 Yen (roughly 5k Php).. But of course, those prices are worth it.. What matters to me is to be with my friends, and spend those holidays with them .. naks!! ehehe…

Everytime I go back to to Kamakura, we make sure that we spend those days together.. So every month, we plan on going somewhere together.. Like last month, we went to Tokyo Dome… Then this month, we went to the Tokyo Game Show.. And of course, during our pahinga moments, we eat together, party together, see a movie in one house all together (siksikan hanggang  inde na makagalaw), spend some time in Starbucks.. So napakasaya ko talaga pag bumabalik ako doon.. ehehe…

So what makes them so special that I want to see them badly every month… Here are the reasons:

Batch 2:

Kuya Abel (aka: Dare)

Si kuya Abel ay naging roommate ko nung dumating ako dito sa Japan… okay syang tao, seryoso sya lagi pero alang sumeseryoso sa kanya (peace!!).. Kahit biruin mo to paulit ulit, inde siya magagalit sayu.. Siguro kunting tampo lang pag nasobrahan na as in 3 days straight na inaasar, pero after nun, babalik ulit siya sa normal… Paborito namin siyang asarin nung andito pa siya… Sad to say, ginusto niyang umuwi sa Pinas for some reasons.. Ang buhay ni kuya Abel ay pedeng ipalabas sa Maalaala mo Kaya Magpakailanman.. Grabe, maiiyak ka sa kakatawa pag narinig mo ang storya ng buhay ni Kuya Abel… So ayan, isa sa mga tao na nami-miss ko na ngayun kasi inde ko na siya talaga nakikita at nakakausap…

Kuya Mark (aka: GameBoy)

Bat Gameboy kamo?? kasi super hilig ng tao nito sa games… Akalain mong bumili pa ng isang laptop para lang sa nilalaro niyang Ran Online… san ka pa.. ehehe.. Gabi gabi makikita mo to na nakatutok sa laptops niya at naglalaro.. pero wag ka, kahit inde mo napapansin, madaming alam tong si Kuya Mark.. Matalino tong tao na to, graduate siya sa UP LB, and adik sa programming… Mahilig din pala tong mangasar kaya ok tong kasama… Tapos pag may time talaga siya, sasama at sasama siya.. tama lang na GameBoy ang tawag sa kanya, kasi Game din siya sa lahat..

Ate Jane (aka: Baby)

Si Ate Jane ang isa sa pinaka makulit na tao na nakilala ko dito.. ehehe.. Bukod sa pagiging Baby Face niya, mabait siyang tao.. Mahilig tong makipagtalo pero syempre inde napipikon.. ehehe.. Nakakatuwa tong si ate Jane pag nagboboses bata siya… ang kuyut pakinggan.. ehehe… Inde ko masyadong nakasama si Ate Jane weh, pero ang masasabi ko lang eh napaka kuwela nitong tao na to.. Maaasahan, at ok din kasama… Inde nangiiwan in times of need, and isip bata mature magisip.. ehehe..

Kuya Mars (aka: Default)

o dba parang model ang dating.. ehehe.. Yan si kuya Mars.. isa sa mga wafu na nakilala ko dito.. nyahaha… Nung una, inde kami masyadong nakakapagusap ni kuya Mars kasi natransfer sila sa Tokyo Branch.. Pero nakakausap ko naman siya pag may gathering… Well, siya ang taong default.. Default meaning pag niyaya mo, ang sasabihin niya is inde siya makakasama.. Pero kahit sabihin niya na inde siya sasama, minsan nasama pa din siya.. So ang dahilan kung bakit siya kilala as Default, kasi lagi siyang default sumagot pag niyayaya mo… default meaning inde.. okay kausap tong tao na to, medyo may pagkaseryoso at may sense… magaling din siya sa Programming lalo na pagdating sa Java.. Mahilig pala to kay Paquiao.. grabe, cant explain kung gano siya kalaking fan ni Paquiao.. ehehe… hmm, anu na kaya ginagawa niya ngayung malapit na ang laban ni Paquiao?? ehehe..

Kuya JayR (aka: DI)

DI as in Dance Intructor.. Kahit wala sa itsura nya, super galing ni Kuya JayR sumayaw… Nadiscover namin siya nung inuman one time, kasama yung iba sa 5th batch.. Habang bumibili yung iba ng chichirya, nagpakitang gilas si Kuya JayR kay Chad na kinakarir naming tatlo nila kuya Pot nung mga panahon na yun at sumaway sa harap naming lahat na naiwan dun… Then the inuman session became a dance party kasi after nug first half nung inuman, super sayawan na kaming lahat… ahahah… Si kuya JayR din ay isa sa mga bumubuhay sa aming samahan… Mahilig kasi siyang magpatawa… At lahat ng klase ng banat meron siya… Parang naka install na sa kanya, na pag may nakita or may narinig siya, automatic na may banat kagad siya… Promise.. ehehe.. Kaya ayan, nami-miss ko na tong tao na to kasi kung kelan kami naging close, pauwi na siya sa Pinas…

Kuya Pot (aka: Kuya)

ayan simpleng simple lang ang pagkaka kilala sa kanya… bilang Kuya Pot… pero wak mong mamaliitin yang tawag namin sa kanya… Kasi sa amin, siya ang pinakamatanda (as of now).. Si kuya Pot ang takbuhan namin pag may problema kami.. So parang kuya talaga namin siya in person.. sa lahat ng bagay andyan siya… Sayahan, iyakan, kuwentuhan, kainan, galaan.. Sa lahat… Indeng inde ka mabo-bore pag kasama mo siya kasi bukod sa may sense siyang kausap, ang galing pa niyang makisama sa tao.. Isa rin siya sa mga bumubuhay ng samahan namin kasi matatawa ka sa mga kuwento niya… Plus magaling pa siya mang-gaya ng actions and boses ng tao… ehehe.. a natural artist… kaya napaka kuwela nitong tao… But inde lang yun, kahit in times of sadness, matatakbuhan mo siya… Pag may problema, magaling magbigay ng payo… Pag may kailangan ka, handang ibigay ang lahat… Kaya pag inde siya kasama, inde talaga kumpleto ang samahan.. Siya din pala ang kalaban ko sa inuman.. malakas din kasi siya uminom weh.. ehehe…

Batch 3:

Ate Kat (aka: Pickle Mind)

ayan si ate Kat.. isa sa mga tao na mabilis magbago ang isip, in other words Fickle Minded.. ehehe… Nakasama ko siya sa training namin ng Cobol, Java at Php sa first company namin.. Masasabi ko na malaki ang pinagbago ni Ate Kat simula nung nakilala namin siya.. Inde naman sa na-BI namin siya, pero mas naging friendly na siya.. siguro yung inde namin nabago sa kanya is yung pagiging Fickle minded niya… ahaha… okay din tong kasama.. Medyo mabilis nga lang siyang mailang sa ibang bagay, pero other than that ok naman siya.. ehehe..

Kuya Clint (aka: Karaoke Master)

yeah, ang Karaoke Master namin.. ehehe.. siya si Kuya Clint.. nung first time kong pumunta noon sa Nihongo Center Foundation sa Makati, siya ang unang pinakilala sakin.. So in short, sa lahat lahat ng kasama namin, si Kuya Clint ang unang una kong nakilala… Kahit sa mga kabatch mates ko.. ehehe.. wee.. Well, inde to nauubusan ng boses pag kumakanta, at in fairness, ang ganda ng boses niya lalo na sa mga medley love songs.. ehehe.. Inde namin siya nakakasama pag may gala kami sa ibat ibang lugar, pero nakasama ko siya dati nung nagbibike pa kami kung saan saan.. Inde obvious sa katawan niya, pero inde siya mabilis mapagod… Nasanay na siya sa pag bike kasi.. Kaya ayun..hehe

Kuya Aster (aka: DJ)

so kung meron kaming DI, meron din kaming DJ.. ehehe.. inde man obvious sa picture niya na mahilig siya sa music, adik talaga to doon… ehehe… natatawa ako one time dito, kasi sa totoo lang, mahirap siyang pilitin pag may gala.. pili lang yung mga gala na nakasama namin siya.. pero nung one time kasi, after naming pumunta sa beach, may inuman session samin.. tapos nipipilit ko siya., and may nagsabi na para daw sure na pumunta siya, hawakan ko daw yung Ipod niya… eh inde niya nibigay sakin kasi pupunta naman daw siya.. pero sa inde maipaliwanag na kadahilanan, inde siya pumunta.. tapos nalaman ko pa, na nung pauwi pala kami from the beach, naiwan yung ipod niya sa bus .. awts… kaya ayun… Si kuya Aster ay isa sa pinaka maligayang tao na nakilala ko.. as in, grabe to kung makatawa.. lahat ng sasabihin mo, seryoso man, nakakaiyak man, tumatawa  siya lagi.. ewan ko kung bakit.. pero lagi siyang smiling face.. ehehe..

Kuya Rommel (aka: Tour Guide)

well, siya ang tour Guide and translator ng aming samahan.. ahaha.. Wala pa siyang na-miss na gala namin ever since.. And matagal na kasi siyang andito sa Japan kaya madami na siyang alam na places.. Kaya pag nagpunta na kami sa napuntahan niya before, siya yung nag gu-guide samin.. O dba, inde kami naliligaw dahil sa kanya.. Plus, magaling pa siya mag Nihongo, so pag magtatanung ng directions, siya na ang nakikipagusap… weee.. ehehe.. Si kuya Rommel ay masungit sa simula, pero may malambot na puso din pala deep inside him… Pag nagsasalita siya, medyo malakas ang boses, kaya akala mo parang galit… pero inde siya galit ahh.. ehehe.. Makulit din tong tao na to, mabait, at ok kasama.. Ok din siyang kausap, at adik din sa programming.. Madami kayung mapaguusapan under the sun, and pag may tanung ka, nasasagot niya kagad ito.. ehehe.. And BTW, alam niyo ba na bibigyan nya ako ng MAC notebook sa pasko?? bibili kasi siya ng bagong Mac Pro, kaya yung gamit niya ngayun, ibibigaw daw niya sakin… wee… salamat po kuya Rommel.. ehehe..

Kuya James (aka: DonJa)

kuya James, aka, Don James or DonJa for short… kung bakit DonJa, well, mahabang storya yun.. ang masasabi ko lang is that sa kanya nakasentro ang lahat pag magkakasama kami.. Parang ino-offer namin sa kanya ang lahat ng bagay na ginagawa namin.. nyahahaha… Pag may decisions, siya ang may biggest vote.. ehehe.. Don na don talaga… ehehehe… But bilang isang normal na tao, masasabi ko na maaasahan si Kuya James.. Madami na ding kaming napagsamahan ni kuya James kaya Im glad na nakilala ko siya.. Alam mo yun, inde siya nangiiwan sa ere, and pag kailangan mo siya, kahit sa napakasimpleng bagay lang, andun siya para sayu.. Minsan siya pa nga nagooffer sayu weh.. Like samahan ka sa tindahan, or sa paghatid, or somewhere… basta nakakatuwa tong si Kuya James.. Ahh, naalala ko, ang secret handshake pala namin, and Dance Step ay alay namin para sa kanya.. ehehe…

continuation

4 Comments

  1. potsquared said,

    aahahahahah nice one xave! buti hindi m opa kami nilaglag no..ehehehehe.. nice post.. thank you at na consider mo kami bilang mga kaibigan mo… so touching! hihihi keep it up!

  2. virex said,

    Quote from potsquared

    aahahahahah nice one xave! buti hindi m opa kami nilaglag no..ehehehehe.. nice post.. thank you at na consider mo kami bilang mga kaibigan mo… so touching! hihihi keep it up!

    actually, meron dyang linya na baka mamis-understood ng mga tao.. pero inde naman siya mapapansin… naka strikethrough kaya alang makakabasa…. wahahaha….

  3. Dabbie Cabayao said,

    at bakit walang batch 4 at 5?!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ahahaha…. salbahe ka. hehehe… miss ka na namin, uwi ka na ulit d2 pero mag ipon ka muna. ahahahah….

  4. virex said,

    Quote from Dabbie Cabayao

    at bakit walang batch 4 at 5?!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ahahaha…. salbahe ka. hehehe… miss ka na namin, uwi ka na ulit d2 pero mag ipon ka muna. ahahahah….

    Meron na po.. kakalagay ko lang… Click mo yung continuation na link… ehehe…

Post a Comment