Mga Kasama ko sa Japan (日本での友達) Part 2
So here is the final list of the person that I spend/spent my life here in Japan.. ehehe…
Batch 5:
Kuya Nap: (aka: Tatay)
Si kuya Nap ay ang Tatay ng Batch 5.. May rumor dati na siya yung magiging roommate ko, (kasi yung roommate ko before is na-assign sa Osaka) pag dumating sila sa Japan… Kaso inde nagkatotoo yun.. Chismis lang pala talaga… And ito pa, bago pa sila dumating dito, nibilhan ko na siya ng complete set ng gamit… Kutsara, Tinidor, Plato, etc.. Tapos the day after kong bilin yung mga gamit, ayun, nalaman ko bigla na inde ko pala siya magiging roommate… sad… ehehe.. Well, Chinese pala tong si Kuya Nap.. Una kaming nagusap sa chat dati, ang pinagusapan namin is yung location ng apartment namin.. Tapos nitanung din niya yung location ng apartment ng ibang batch.. Then nagulat ako, may nisend siya saking link sa google map, tapos naka point dun yung mga location ng bahay naming lahat.. hehe.. nakakatuwa… Ang masasabi ko kay Kuya Nap, is maasikaso siya… sobra… para talaga siyang Tatay ng Batch nila, kasi super siya magalaga.. ehehe.. Ayun.. Inde ko pa siya masyadong nakakausap and nakakasama sa mga happenings namin, but I can say na isa siya sa mga tao na gusto kong makasama tuwing bumabalik ako sa Kamakura.. ehehe…
Ate Joy: (aka: Nanay)

Syempre kung may tatay sila, may nanay din dapat.. ehehe… Si Ate Joy ang rumored jowa ni Tatay Nap.. weee… (wala sanang magalit).. Pero according to my source, na si Boy Abunda (portrayed by Kuya Pot), friends lang daw sila.. kitams, showbiz na showbiz dba.. ehehe.. Marami na silang napagsamahan ni Tatay Nap, kaso due to some indiferences, inde ata sila pedeng maging sila.. Sayang, magandang couple pa naman sana to… Pero nevertheless, lagi silang magkasama pag nagkikita kita sila… Si Ate Joy kasi is nasa Tokyo, while si Kuya Nap naman ay nasa Ofuna.. Medyo malayo yun kaya inde sila araw araw nakakapagkita.. Pero may chismis ako, according to my senses, nagda-date silang dalawa… wahahaa.. chismisChizm… eehehe… Uuuyyy, wak po magagalit ahh.. ehehe.. Anyway, si Ate Joy ay isang tao na may class ang dating… Inde yung may dalang backpack na malaki tapos may libro na hawak tapos geek.. But classy look.. Girl na girl ang itsura niya pag nagkikita kami.. Sophisticated… And she is really nice… Inde pa kami masyadong nakakapagusap kasi pag may lakad kami, busy ako sa pagtake ng pichurs, siya naman busy kay kuya Nap, so ayun.. ahahaha…
Kuya Allan: (aka: The Great Story Teller)

ayan si Kuya Allan.. Simple, mukang tahimik, and mukang shy sa unang tingin.. Pero lahat yan ay magbabago kapag nakilala mo na siya… nyahaha.. Okay tong si kuya Allan.. Siya na ngayun ang target namin lagi sa mga jowks and asaran simula nung nakilala namin siya… Bali pag may lakad, siya laging inaasar.. ewan ko kung bakit.. Siguro may pagkaparehas sila ng attributes ni Kuya Abel.. And in fairness, inde naman siya napipikon kaya go na go kami.. Tapos ang maganda pa, is gustong gusto niya na inaasar siya… Ang dahilan daw kasi is, siya yung Bida.. ayun.. ewan ko kung anung klaseng pagiisip yung ganun na kahit na anung gawin sa kanya ok lang basta siya yung bida… ahaha.. Pero normally, pag inde namin siya inaasar kasi pagod na kami sa kakatawa at pahinga naman kami muna from humiliating him, ok siyang kasama.. Nakaka-touch siya kasi kahit lumubog na siya hanggang sa kailalim laliman ng mundo dahil sa panglalait at pangaasar namin sa kanya, he is very concerned with us… Yung tipong, nagooffer ng sandwhich and drinks pag nakita niyang gutom na kami.. Or nagpapahiram ng jacket kasi malamig.. yung tipong ganun.. Syempre kami naman, pakipot sa simula kasi nahihiya kami sa kanya kasi kahit super inaasar namin siya eh mabait siya samin.. Pero kinukuha naman namin yung offers niya.. Tapos syempre, pagkatapos kainin yung sandwhich na ibinigay niya, tuloy ulit kami sa pangaasar sa kanya.. wahaha… parang inde man lang kami greatfull weh.. wahahaha… pero ayun, maaasahan mo talaga tong si kuya Allan, in times of your needs.. Ayun, bakit nga pala Great Story Teller??? well, the title speaks for itself.. Pag nagkuwento kasi siya, super detailed.. Parang every second counts pag nagkuwento siya.. Kahit simpleng tanung mo lang sa kanya, or simpleng pagpapa-explain, nobela ang isasagot niya.. ahaha.. Kaya wala sa amin ang nagtatangkang magtanung na sa kanya.. Pag may tanung kami, dini-direct namin sa ibang tao… ahahaha..
Kuya Jeff: (aka: Self Portrait Addict)

una kong nakilala si kuya Jeff sa Tokyo Dome nung pumunta kami dun nung September.. Nung una, inde ko pa namalayan na isa pala siya sa 5th Batch, pero inde naglaon, nagkaron naman kami ng bonding moment.. ehehe.. Bat pala Self Portrait Addict?? kasi isa din siyang photographer.. And one thing I noticed was that, everyday, parang iba iba yung avatar niya sa YM.. ahaha.. Syempre puro muka niya yung nilalagay niya.. And inisip ko, panu niya nakukunan yun?? nagpapatulong kaya siya?? o gamit tripod?? Well, hanggang ngayun inde ko pa din alam.. ahahaa… Si kuya Jeff ay graduate din ng Mapua (Makati), and isa siyang mahusay na photographer… Super manual mode siya lagi kaya ang galing niya kumuha ng pics… ehehe… Magaling siya magayos ng settings ng slr niya kaya ayun.. ehehe.. Other than that, ok naman siyang kausap.. Marami kaming napagusapan noon, although inde din naman ganun katagal.. ehehe.. Pero inde ko pa din siya masyadong nakakasama sa mga galaan wehh.. Tapos sa Tokyo siya nkatira ngayun kaya inde kami masyadong nakakpagusap na pag bumabalik ako sa Kamakura.. Pero ayun, humihingi din ako sa kanya ng mga tips about photography, which is very helpful naman.. ehehe… Thanks pow…
Kuya Chad: (aka: G-Magnet)

o dba, artistahin ang itsura.. ehehe.. Kung bakit G-Magnet, ililihim ko nalang.. ahaha… Nung una, medyo ilang ilang pa siya samin kasi inde pa nga kami ganun ka-close.. Tahimik tong bata na to, and inde masyadong nagco-comment nung una.. Pero pag nitanung mo naman, sasagot siya.. Pag nagjojowk kami or nagbibiro, nakikitawa naman siya.. Pero inde siya nakikisama sa pagbibiro kasi nga inde pa kami close nung una.. ehehe… Then after nung first night na nagsama sama kami, every lakad, sumasama na siya samin.. And nagulat nalang kami, ayun, close close na kaming lahat.. ehehe.. Ngayun, nangaasar na din siya, inde na mahiyain, at nagoopen ng ng topic of conversation.. Hehe… Masasabi ko lang na, its worth the wait na maging ka-close siya kasi ok na kaibigan tong si kuya Chad.. Game na game sa lahat.. Kahit alang tulog at pagod, basta niyaya mo, go na go… ehehe..
Finally Batch 4:
Ate Gel: (aka: Kabayo)

Well, siya po si Ate Gel.. Siya yung ponakamatanda sa batch namin, and siya na din yung may pinakamaraming experience sa work sa amin… Natatawa ako, kasi mahilig siya sa term na Kabayo… Pag nagugulat siya, yun yung lagi niyang nisasabi,.. Ewan ko kung bakit.. Siguro may pet siya na kabayo nung bata siya, kaya yun yung expression niya… ehehe.. Si ate Gel ay maasikaso sa lahat ng bagay.. Pag may problema ka, madaming magagandang advice ang maibibigay sa iyo ni ate Gel.. Pag may inuman kami, inde siya sumama.. Inde daw kasi siya umiinom.. Pero Im happy na nakilala ko siya.. Kasi in simple ways, she can make me smile.. ehehe…
Kuya Mark: (aka: Ojiichan)

Yan ang aming lolo.. ahahha… literally, matanda na si Ojiichan, and ever since na nalaman namin yung word for lolo sa nihongo, yun na ang tawag namin sa kanya.. 3 ata kaming tumatwag ng Ojiichan sa kanya weh… Ako, si Glad at si Dab.. ehehe… Tapos sweet at malambing pa yung pagtawag namin sa kanya, kaya tuwang tuwa si Ojiichan pag tinatawag namin siyang ganun… But according to my sources, itago natin sa pangalang Ate Beth, kahit daw nung nagaaral pa sila nung College, eh kilala na si Ojiichan bilang Tito, or Lolo, or someone who is called like an older person.. Not just because of his age, but also because of his thinking.. Yep, as you’ve guessed makakalimutin siya ay adult-like magisip, sa kahit na anung bagay… Kung minsan isip bata kami sa decisions namin, siya yung nagpapa-alala samin na inde na kami bata.. Pag down kami, siya yung nagbibigay samin ng hope.. Pag masaya kami, siya yung KJ.. wahahah… jowk.. Si Ojiichan pala ang roommate ko… O dba, instant caregiver ako dito sa Japan.. Pero para sakin, masarap alagaan yang si Ojiichan… Although makakalimutin na siya, nagagawa pa din naman niya yung ibang bagay kahit wala yung tulong ko.. Like kumain, and maligo magisa.. wahaha… And in fariness, kahit sumasakit na ang katawan niya, he makes sure na maayos at malinis yung bahay namin.. Kahit pagod na, super linis pa din siya.. ahahah… Ok na kasama sa bahay si Ojiichan.. Malinis, maayos, at talagang magkakaron kayu ng bonding time lagi… Mahilig din to mag jowk, at kilala namin siya sa pagiging magaling niya sa Logical Thinking.. Grabe, matutulala ka pag nagexplain siya ng logic ng mga bagay.. ahaha.. but all in all, masasabi ko na super maaasahan na tao si Ojiichan.. Kahit ganyan siya, na ayaw mapagod at inde sumasama sa mga lakad namin, siya pa din ang aming Lolo dito na nagbabantay samin… Siya pa din ang Ojiichan na roommate ko na hinahanap hanap ko.. ehehe.. Ang sarap kasi lambingin ni Ojiichan.. Game sa lahat… Tapos nung nasa Osaka siya, araw araw naguusap kami sa phone para mangamusta lang siya.. Every morning yun pag nasa office na kami.. Tapos at night din minsan, or while walking home.. Kaso, sa kasamaang palad, nung bumalik naman siya from Osaka, ako naman is palipat na sa Nagoya, kaya inde kami masyadong nagkasama din.. Ang ganda ng story namin noh, parang movie lang… Lagi kaming pinaghihiwalay ng tadhana, tapos sa bandang huli, magkakasama din kami at magkakatuluyan.. nyahahaha… peace!!! Pero na-touch talaga ako sa kanya.. Kasi kinakamusta pa din niya ako araw araw.. So hanggang ngayun, lagi kaming naguusap sa phone para magchismisan.. ehehe.. or magkamustahan.. And one time, sinabi pa niya sakin “Alam mo kung bakit kita tinatawagan lagi?? Alam ko kasi yung feeling ng magisa.. Yung feeling ng nami-miss yung mga mahal sa buhay… Ayaw ko maramdaman mo na nagiisa ka… Andito ako para sayo”.. Wahaha.. syempre may dinagdag akong mga linya para super sweet yung kalabasan, pero totoo po yan.. ehehe… Kaya indeng inde ko makakalimutan si Ojiichan.. At nagpapasalamat ako at siya yung naging roommate ko.. ehehe..
Ate Addy: (aka: Torrent Queen)

Kung gusto mo ng palabas, magtanung ka lang kay Ate Addy at tiyak na meron siya nun.. hehe… Sa sobrang adik sa torrent, kahit sa Pinas nagpapa torrent pa siya tapos pinapadala sa kanya dito sa Japan.. ahahaha… Si Addy ay isa sa mga super girls na nakilala ko.. Kasi matangkad na, fit pa yung body, and mabait pa.. Nung mga araw na naulila ako sa paglipat ni Ojichan sa Osaka, isa si ate Addy sa mga kumakamusta sakin at sinasamahan ako pag nalulungkot ako.. ehehe.. Kaya nagpapasalamat ako sa kanya.. Then malakas din siyang uminom.. Grabe, sa lahat ng babae dito, siya na yung pinaka malakas uminom siguro.. Kasi kahit medyo madami na siyang nainom, nasa tamang pagiisip pa din naman siya.. ehehe.. Magaling din siya sa Nihongo, pag may tanung kami minsan, sa kanya kami nagcoconsult.. ehehe.. Tapos pag need mo ng magandang drama, either K, J, T Drama, meron siyang kopya.. Siya pa yung nagsusuggest samin kung anu yung maganda.. hehe.. Dahil sa kanya, na-adik ako sa panonood ng Jdorama.. ehehe..
Kuya Mike: (aka: Programming Master)

siguro sa amin dito, si Mike ang Master pagdating sa Programming.. Either sa Java, sa VC++, magaling siya… And guess what, naperfect niya yung Certification sa Java dito.. ehehe.. Adik!!! Ayun, as of now, hook na hook din si Mike sa Games.. Being a game developer before, ang pinagkaka abalahan niya ngayun is Ragnarok, and may isa pa weh, nakalimutan ko na… ehehe… Ang chizm ko, malapit na daw silang ikasal ng GF niya, and as of now, nagiipon na siya.. Ninong ako ng anak niyo ahh… jowk.. ehehe.. But kahit na super talino ni kuya Mike, napaka down to earth niya.. Inde nagyayabang kahit isang beses.. In fact, siya pa yung nagtuturo sa amin pag may mga tanung kami.. Tapos ang galing pa niya magexplain, detailed na maiintindihan mo talaga… Ang dami na naming natutunan sa kanya.. hehe.. Inde ko na siya masyadong nakakausap lately kasi OT siya lagi sa work, pero dati nung magkasama pa kami sa office, ang dami naming napaguusapan.. Ragnarok-related man or Dota.. ehehe.. Inde siya boring kasama.. ehehe..
Ate Alma: (aka: Entertainer)

Tahimik na tao tong si ate Alma, pero lahat ng banat nyan super… As in, tatambling ka sa mga banat niya, lalo na pag tungkol sa kanya.. ehehe.. Adik sa pagsasayaw si ate Alma, at isa siya sa mga assistant ni DI JayR pag may dance lesson kami.. ehehe… Tapos everyday, ina-apply niya ang pagpeperform sa kanyang buhay.. Sa loob man ng train, or sa apartment man, makikita mo na lagi siyang nagpeperform.. ehehe.. ok din siya kasama.. Go na go.. Kahit inde siya mahilig sa mga rides, sumama pa din siya samin sa Tokyo Dome.. Tapos pinaiyak pa siya ni DI JayR kasi nipipilit namin siyang sumakay sa Roller Coaster nun… eh ayaw pa niya talaga.. Pagsayawin na daw namin siya sa harap ng tao, wak lang daw sumakay sa roller coaster… ehehe.. But ayun, masaya siyang kasama sa mga activities.. eheheh..
Kuya Reynan: (aka: Not Appicable)

well, siya si Kuya Reynan.. Ala siyang palayaw kasi ayaw daw niyang binibigyan siya ng ibang names.. ehehe.. Eh baka mabasa niya to at magalit siya, so inde nalang ako maglalagay ng aka niya.. ehehe… But if ever man na maglalagay ako, siguro ang ilalagay ko is Flirty Direk.. wahaha.. peace po kuya Reynan… Kung bakit iyan, well, nakilala kasi si kuya Reynan bilang flirt… Ewan ko kung bakit, but madali niya kasi makuha ang loob ng mga girls.. Then Direk naman, kasi he likes to film.. Actually, he is planning to buy a camcorder either next month or sa december… And binigyan pa niya ako ng tips sa pagvi-video.. ehehe.. Pag may lakad kami, puro videos ang kinukuha niya, gamit yung digi cam niya.. ehehe… And ayun, meron pa siya nung siya yung vini-video habang nageexplain siya ng something about sa place na pupuntahan namin.. ehehe.. Magaling magaling… Adik din siya sa pagtorrent ng movies… And in fact, siya ang Critic namin pagdating sa english movies.. Kaya pag may gusto kaming panoorin na maganda, siya yung nitatanung namin.. But talking about his traits, well, mabait siyang tao… Ok kasama, kasi madami din kayung mapaguusapan.. Medyo kakaiba nga lang siya magisip, but naiintindihan naman namin siya… Pag meron siyang gusto, ginagawa niya lahat para makuha niya yun.. Pag ayaw niya, ayaw niya talaga, ala ng magagawa dun. ehehe.. Medyo madami na din kaming napagsamahan ni kuya Reynan, kaya masasabi ko na isa siyang friend that can be trusted..
Ate Jenny: (aka: Mega Phone)

siya po si Jenny.. ang pinaka maingay sa aming batch.. Maingay na malakas yung boses ahh.. At makulit.. ahahaha.. isang adik sa Java programming and isa sa mga tao na napansin kong ginagawa ang lahat ng sakripisyo para sa kanyang pamilya.. napaka friendly ni Jenny, and in fact, siya na ata ang may pinaka maraming friends dito sa Japan weh.. ehehe.. And kahit na super dami niyang friends, she make sure na she spends quality time with them… Kahit iba iba yung set of friends niya, handa siyang gawin lahat makasama lang sila.. Like pupunta ng Nagoya magisa to meet his boyfriend.. Or pupunta sa Universal Studios Osaka with her other set of friends.. O dba.. May effort talaga para lang makasama yung friends.. ehehehe.. Bilib ako sa tao na to… Kasi kahit pagod siya, I mean busy sa work tapos araw araw may overtime (yaman na ng lola ko), tapos on weekends lumalabas pa lagi with her friends.. Tapos nagoovernight pa sa ibang bahay… Ayun, grabe, sa liit ng katawan niya nakakaya niya yun gawin… All for the sake of friendship.. ehehe.. Sad to say, na pag umuuwi ako sa Kamakura, sya naman ay umaalis.. ehehe… Inde naman sa ayaw niya akong makita, but nagpupunta siya sa ibat ibang lugar kasama yung ibang friends niya.. ehehe.. So ayan si Jenny, lively person that gives light to our batch.. Concerned din siya sa mga friends niya and maalaga sobra.. Siya pala ang Nanay nanayan ni Dabbie dito sa Japan.. ehehe.. kasi grabe magalaga si Jenny.. ehehe…
Ate Glad: (aka: Computer Adik)

hehehe.. yan si ate Glad, ang taong inde daw adik sa computer, passionate lang daw siya.. ehehe.. Pero dati indeng inde mo siya mahihiwalay sa Laptop nya.. ehehe.. kahit inuman, or gathering, hawak niya yung laptop niya.. ehehe… Siguro ang dami kasi niyang kinakausap sa YM, and ang dami din niyang binabasa na blogs… Bakit madami?? Kasi super laki ng connections nya sa mga tao.. Siguro kaya ginawa yung friendster para talaga sa kanya.. Kasi friends of friends of friends to the nth level kilala niya.. Ang nakuwento niya, sa pinas daw, kahit san siya magpunta, may nakikita siyang mga kakilala niya.. O dba san ka pa?? eheh.. Dati palang child star tong si Ate Glad.. Kuyut kasi niya nung bata siya.. Tapos bigla siyang kinain ng isang alien na adik sa pc, at ngayun ay nagkatawang tao na at yung alien na yun ang tinatawag namin na Glad..wahahha.. peace… Inde naman sa pagiging masama, pero tuwing nipapakita niya kasi yung pichur niya nung bata siya, alang naniniwala na siya yun.. ahaha.. Kahit yung lola na niya mismo, nisabihana siya na ibalik yung apo niya wehh… wahaha… Pero kung alien man talaga siya at nasa tiyan nya ngayun yung batang Glad, or kung siya talaga yung Bata na yun, wala na akong pakielam.. What matters is yung ate Glad na kilala ko ngayun.. hehe.. Alien man or inde.. Adik man sa PC or inde.. ehehe.. Good news pala, nahihiwalay na siya ngayun sa Laptop niya.. ehehe.. So this time, passionate nalang talaga siya… Inde na adik.. wee.. Anyway, si Ate Glad ay isang tao na masayang kasama.. Madami kaming bagay na parehas naming gusto.. Go na go siya sa mga lakad.. Kaya she is one of those people that I look forward to seeing when I return to Kamakura.. ehehe..
Ate Dab: (aka: Daibutsu-sama)

waa, ang una kong nailagay is Doubutsu-sama (Master Animal).. wahaha.. Kung bat Daibutsu-sama ang tawag ko sa kanya, is napakagandang katanungan.. Nung mga araw na nasa Kamakura pa ako, nagpunta kami sa mga temples and shrines.. Then isa sa mga napuntahan namin, is yung lugar nung Daibutsu which means Large Buddha.. Then nung paalis na kami sa place na yun, may nakita kaming kuyut na baby.. and being a pedophile (yung mahilig sa mga bata.. wahah jowk lang to ahh), nagpapicture siya kasama yung baby… then yung baby naman eh super tingin sa kanya.. Then sabi namin, sa isip isip nung bata, “Mommy mommy, bat nandito yung Daibutsu”.. wahahaha.. peace po!!! Magcecelebrate na pala si Dabbie ng kanyang Birthday on October 26… Happy Birthday po!! ehehe… Then about her naman, grabe, inde kami close nito.. wahaha.. Honestly speaking, kahit nung nasa NCF pa kami, kaming dalawa na yung super magkasama.. Batchmates kasi kami ni Dab sa Mapua.. Naging mag classmates na din kami before.. But since iba yung set of friends namin, inde kami masyadong naguusap noon.. Dito lang kami naging ok.. ehehe., Then after ng class namin sa NCF, magkasama kaming nagfo-food trip.. Or manood ng sine… ehehe… Grabe, i miss those times.. ehehe.. So being with her for almost a year na, I can say that she is one of those people that once na nakilala mo na siya, its hard to forget her.. ehehe.. Super nag click yung ugali namin, kaya super close na kami.. ehehe.. Pag may problema, or may chizm, ayan super chikahan kami.. ehehe.. Tapos sa lahat ng babae dito, siya ang may pinaka mataas na points bilang “best in looks”.. wahaha… sabi nga niya “Mataba pa ako nito ahh.. Pano nalang pag pumayat na ako”.. whahaha… Ang dami na din niyang alam tungkol sa akin, and wala kaming tinatago sa isat isa.. ehehehe.. Sa apartment din niya ako natutulog pag umuuwi ako.. ehehe… So in short, parang siya ang Best Friend ko dito sa Japan… weee… And just being with her makes me happy… naks… wahaha.. Kaya everytime na umuuwi ako, siya yung sumasalubong sakin, and siya yung nagaalaga sakin.. And i will never trade our friendship for anything..
So there, sila yung mga nakasama ko na dito sa Japan..And those are just some reasons why I keep on returning back to Kamakura to be with them… ehehe… Kahit na iba iba kami ng mga ugali, super nagcli-click yung mga samahan namin.. And Im happy that I was able to meet them… weee..
Till then.. Ja ne..
















Dabbie Cabayao said,
October 24, 2008 at 8:53 pm
wow!!! kakatouch xave! as in! touch na touch ako! love you xave!!!
C xave ang pinaka best buddy ever!!!