Love VS Lust
May friend ako na may makulit na status sa YM.. Sabi ng status niya “Masakit ang ulo ko”.. Edi niloko ko siya, “anung ulo??”.. At dun na nagsimula ang aming paguusap..
At tulad ng panimula kong bati sa kanya, nagtuloy-tuloy ang usapan namin sa makulay na buhay niya.. Kaka-break up palang niya kasi sa 2-year relationship niya, pero ngayun, meron na siyang bago.. Mag 5 months na sila nung bago, pero inde pa niya makalimutan si ex niya.. Edi nagtanung tanung ako ng mga bagay bagay, napagtanto namin na mahirap talaga palitan ang sex 2 taon na pagsasama nila..
Mabait naman daw si present kaso magaling sa sex si ex, pero bat ganun at parang nakukulangan pa din siya sa “L” factor… Libog Love Factor.. Kaya nagisip kami ng pedeng dahilan kung bakit inde niya maalis sa isip niya si ex.. Lalo na’t lately, napapanaginipan pa niya ito.. At lumalabas na, honestly speaking, mas magaling sa kama si ex niya kumpara kay present.. Pero inde niya maiwan iwan tong si present niya kasi inde din na niya mahahabol si ex.. Medyo magulo ang story ng buhay niya..
Anyway, anu relasyon nyan sa post ko ngayun.. Ako din kasi medyo nahihirapan sa topic na to.. Panu ko malalaman kung mahal ko ang isang tao, o kung gusto ko lang siya matikman?? Sa totoo lang, ayon sa aking nabasa, ang love daw ay may kasamang lust, pero ang lust ay walang kasamang love.. Parang a square is a rectangle but a rectangle is not a square lang yun.. ehehe.. So in short, kapag mahal mo ang tao, minsan, inde nawawala na ma-L ka sa kanya.. Pero ang mga ma-L na tao, inde sila nakakakita ng love para sa kanila..
Napaisip ako, ako ba ano ako.. Pag may natipuhan ba ako, love na ba ito, or lust lang.. Aminin ko, medyo shallow ako kaya mabilis ako ma-attract sa physical na kaanyuan ng mga tao.. Aminin naman natin, na pag nakita mo ang isang tao, yun naman talaga ang nakikita natin diba.. Pero syempre, dapat kilalanin din natin sila.. Malay mo, may itsura nga, panget naman ugali, so wala ding kuwenta yun.. Pero syempre, dumadating din yung time na nagkakagusto ako sa tao na nagiging ka-close ko.. Syempre lagi kaming magkasama, so nage-enjoy ako sa company niya.. At parang, matatapos na yung araw pero kulang pa din.. Yung tipong gusto ko pa din siya makasama.. Na kahit sa byahe magkatext kami.. Hanggang sa pagtulog mgkatext kami.. Yung ganun.. Pero dati pa yan.. Ngayun wala na.. ehehe..
So panu ba dapat ang proseso ng pagiging in-love?? Dapat ba kilalanin mo muna yung tao kahit inde mo masyadong type yung itsura?? O dapat maghanap ka muna ng type mo bago mo kilalanin?? Ako kasi medyo mahiyain sa personal.. Or inde lang talaga ako mahilig makipagusap sa mga inde ko kilala.. ehehe.. Kasi ang dami kong nakakasalubong na tao, ngi-ngitian ako, or mga nakakatabi ko sa lrt na sige sa kalabit sa akin pero inde ko pinapansin.. (wahaha.. assuming masyado weh).. Pero dahil sa aking ugali, inde ko sila nikakausap or nipapansin.. Ewan ko ba, mahirap akong i-approach.. Pero pag nakipagusap naman na sila, edi go lang ng go sa kung anu anung topics..
Kaya ayun.. Anu ba talaga ang love at ang lust?? Bale may mga katanungan ako dito para mas maclarify natin kung anu ba talaga ang nararamdaman natin para sa isang tao.. Kung anung “L” ba ito… Sagutin niyo ng tama ah, at wag niyo na lokohin ang sarili niyo..
Q1: Pag nagkikita keo, parang tumitigas ba at naninikip ang dibdib mo?? O iba ang tumitigas at pants ang sumisikip??
Q2: Iniisip mo ba kung anu ang pede niyo gawin tuwing magkasama keo?? O iniisip mo kung anu gagawin mo sa kanya pag kayo lang magkasama??
Q3: Pag nagkikita keo, nagkakasalubong ba ang inyong mga mata?? O nagkakasalubong ang inyong mga dila??
Q4: Pag niyaya ka nya, gusto mo bang sumama para makita siya?? O gusto mo sumama para maka-sex siya??
Q5: Pag iniisip mo siya, anu nakikita mo?? Kung ganu keo kasaya pag magkasama keo?? O ang hubad na katawan niya??
Ayan ang ilan sa mga tanong para malaman niyo kung anu ba talaga ang nararamdaman niyo sa isang tao..
Ang masasabi ko lang, ang Lust, ay ganito.. Kung physically attracted ka lang sa kanya.. Kapag hinahanap mo lang siya kasi gusto mo makipag-sex.. Inde mo siya kinakausap maliban pag yayayain mo makipag sex.. Umaalis ka kagad after sex..
At Love naman kapag lagi mo siyang naiisip (pero wholesome ahh).. Parang inde kumpleto ang araw pag inde keo nagkita or nagusap.. Ano pa ba?? sorry ala na akong madagdag.. inde pa ata ako nai-inlove weh.. ehehe… Sa totoo lang, may kakausapin pa akong tao para magtanung at humingi ng payo kung pano mainlab..
Ayun lang… Baka meron pa kayong maidagdag, sabihin niyo lang..











sikretong malupit hulaan mo said,
April 26, 2010 at 9:57 am
hahaha… natawa ako d2 sa post mo… pero may sense… napatunayan ko na LOVE nga yung sken… kasi kahet polluted ang utak ko eh hindi naman yun ang naiisip ko pag nakikita ko sya… hahaha…
well anyway… moving on… gusto ko lang sabihin na naging totoo yung feelings ko sa taong yun at hindi physical attraction lang…
ni-comment ko dn to sa FB mo… :p
virex said,
April 26, 2010 at 10:02 am
adik,.. kaka-post ko palang nabasa mo na kagad.. at nakareply ka kagad.. ehehe..
hmm, edi good to know na love talaga yun.. at mukhang love talaga yung seo..
kasi nakipagaway ka pa talaga para lang sa kanya..try mo yung isang L.. malay mo magworkout yun.. ehehe..sikretong malupit hulaan mo said,
April 26, 2010 at 10:10 am
naughty… =))
nako ayaw ko yung isang L, mas kumplikado yun… mahirap na…
virex said,
April 26, 2010 at 10:18 am
yun nga yung maganda weh.. hmm.. para seo, mas kumplikado pa din yung love.. ahaha..
sikretong malupit hulaan mo said,
April 26, 2010 at 10:38 am
lahat ngayun kumplikado, pero sure ako
)
mattpos dn toh… hahahah!!! celebrate nten pag tpos na!!!
virex said,
April 26, 2010 at 10:51 am
yey… tapos sasama siya sa celebration.. tapos may mangyayari sa inyo.. tapos in love ka na ulit.. ehehe
jejebuster said,
April 27, 2010 at 6:01 pm
Nice blog man! Hahaha! Natatawa talaga ako. Keep blogging. Naencourage ako mag-blog ulet. Hehehe. Until your next entry!
JA! Hahahah!
virex said,
April 28, 2010 at 10:01 am
lolz.. go lang.. blog ka din para madami akong mabasa.. ala na akong magawa weh.. kaya basa basa mode lang at post ng post ng walang kuwentang blog.. ehehe..